Lunes, Enero 28, 2013

Upuan

A. Pagsusuri sa Pamagat
-Ang pamagat ng kanta (Upuan) ay tumutukoy sa mga puwestong inookupa ng mga pulitikong galing sa kapangyarihan at kapangyarihan.
B. Pagkilala saAuthor
-Si Aristotle Pollisco o mas kilala sa pangalang Gloc 9 ay isang alagad ng sining na nabibilang sa makabagong henerasyon. Bagama't ang kanyang istilo ay talaga namang bago at nababagay sa mga  kabataan,ang kanyang mga awitin ay nananatiling mayroong lalim na kahulugan at kapupulutan ng aral.
C. Pagsusuri sa Tagpuan kung nabanggit
-Ang tagpuan sa nasabing kanta ay kung saan namumuno ang mga nasabing pulitiko.
D. Paglalarawan sa mga Tauhan kung nabanggit
-Ang tauhan sa nasabing kanta ay mga pulitikong nahalal at kasalukuyang nakaupo sa gobyerno.
E. Pagsusuri sa Paksa
-Ang paksa sa nasabing kanta ay ayon sa mga pulitikong inaabuso ang kanilang kapangyarihan upang magpayaman.
F. Pagsulat ng Personal na Reaksyon
-Ang mga pulitiko sa nasabing kanta ang mga tipong ayaw iwanan ang kanilang mga puwesto na kahit matapos ang kanilang mga termino,sukdulang patakbuhin ang kapamilya,wag lamang mawala sa kanila ang kapangyarihan at karangyaang tinatamasa nila habang sila'y nasa puwesto. Nakalulungkot isipin na dahil sa mga gahamang pulitikong ito na imbis makatulong sa mga dukhang nasasakupan nila,ay sila pa ang dahilan kung bakit sila lalong naghihirap dahil hindi nakararating sa kanila ang mga pondong maaaring makatulong sa kanila upang guminhawa ang kanilang buhay.

Miyerkules, Enero 16, 2013

Mga taong nagbigay karangalan sa Pilipinas !!

      Maligayang bati sa inyong lahat,mga mambabasa !! Ito ang aking mga kasalukuyang mga blog :
Mga wika at dayalekto rito sa Pilipinas,Mga magagandang lugar dito sa Pilipinas,Magagandang katangian ng mga Pilipino,Mga Sikat at talagang Masasarap na Putahe sa Pilipinas,Produkto sa Pilipinas na maipagmamalaki
      Siguro naman,alam niyo na sadyang maraming magagandang katangian ang tinataglay ng Pilipinas. Siguro'y humanga na kayo,ngunit hindi lang iyon sapagkat marami pang ipagmamalaki ang Pilipinas. Isa na rito ang mga taong nagtayo sa bandila ng Pilipinas
       Siguro'y napansin natin ang sunud-sunod na pagkapanalo ng Pilipinas,di lang sa mga paligsahan sa isports tulad ng boksing kundi maging sa paligsahan ng kagandahan tulad ng Miss Universe. Nagsimula kay Miriam Quiambao na naging 1st runner-up,sumunod naman si Venus Raj na naging 4th runner-up,pagkatapos ay si Shamcey Supsup na naging 3rd runner-up  at nitong huli lamang,si Janine Tugonon na naging 1st runner-up. Sila ay binansagang QRST.
        Talaga namang nakatutuwa na may mga tao talagang handang gawin ang lahat upang maitayong muli ang bansang nakalugmok na sa putikan. Sana'y patuloy ang pagkapanalo ng Pilipinas sa iba't-ibang paligsahan.

It's more fun in the Philippines !!

Produkto sa Pilipinas na maipagmamalaki !!

    

Maligayang bati sa inyo !! Ito ang mga kasalukuyan kong mga blog..

Mga wika at dayalekto rito sa Pilipinas
Mga magagandang lugar dito sa Pilipinas
Magagandang katangian ng mga Pilipino
Mga Sikat at talagang Masasarap na Putahe sa Pilipinas


       Kilalang-kilala ang Pilipinas kung ang pinag-uusapan ay mga produktong gawa sa abaka,yantok,pinya,molave at iba pa. Di matatawaran ang kalidad kung saan naipapanalo pa natin sa iba't-ibang paligsahan. Mula sa mga kasangkapan maging sa mga kasuotan ay kilalang-kilala na ang Pilipinas,di lang sa Amerika,kundi maging sa buong mundo na di iilang beses na nanalo tayo sa paggawa ng mga pulidong kasangkapan na sadyang maipagmamalaki ng Pilipinas.

It's more fun in the Philippines !!

Mga Sikat at talagang Masasarap na Putahe sa Pilipinas !!




     Muli maligayang bati sa inyong lahat,mga mambabasa !! Kasalukuyang pang-apat ko nang blog ito. Ang huli kong mga blog ay ayon sa Mga wika at dayalekto rito sa Pilipinas,Mga magagandang lugar dito sa Pilipinas,Magagandang katangian ng mga Pilipino...Samantalang ang blog ko naman ngayon ay ayon sa mga sikat at talagang masasarap na putehe sa Pilipinas
     Alam ba ninyo na maraming mga turista ang ang binabalik-balikan ang ating mga exotic food tulad ng lechon,kare-kare,balut,adobo,kaldereta,sinigang at marami pang iba na talaga namang gustung-gusto nila. Nakatutuwang isipin na di lang magagandang lugar ang kanilang binabalikankundi pati na rin ang mga pagkain. Kung mapapansin niyo,may mga restoran na rin sa ibang bansa na ang kanilang specialty ay mga Filipino foods na talagang pinagkakaguluhan ng mga tao.. 

It's More fun in the Philippines !! 


Mga wika at dayalekto rito sa Pilipinas !!

Maligayang bati muli sa inyo,mga kaibigan!! Ang aking tatalakayin ko naman ngayon ay tungkol sa iba't-ibang mga wika at dayalekto rito sa Pilipinas..

     Bagama't ang Pilipinas ay binubuo ng napakaraming mga isla at lengguwahe ay di hadlang sa pagbisita ng mga turista. Dahil ang Pilipinas ang isa sa mga bansa sa buong mundo na "fluent" sa pagsasalita ng Ingles. Dahilan upang tayo'y dayuhin,di lang mga turista,kundi maging ng mga estudyante na gustong mag-aral ng ingles kundi maging ng mga investor. Ito rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng progreso ang mga call center business sa ating bansa dahil sa ating kakayanan. Importante sa mga dayuhan ang lengguwaheng  naiintindihan nila dahil nasa ibang lugar sila at konbinyente(convenient) para sa kanila ang komunikasyon.

Karagdagang kaalaman lamang ayon sa wika ng mga Pilipino.      
     Alam niyo ba na mayroong 175 na wika o dayalekto rito sa ating bansa,ngunit ngayon 171 na lamang dahil ang 4 dito ay tuluyang lumipas na. Gusto niyo bang malaman kung anu-ano ang mga tanyag at malimit gamitin dito sa ating bansa? Ito ay ang mga sumusunod:
Filipino: Ang pangunahing wika sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng Tagalog kasunod ng iba pang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas.
Tagalog:Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ng 24% ng kabuuang bilang ng mga Pilipino sa buong kapuluan. taal na gamit sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Bataan, Batangas, Rizal, Quezon (kilala rin sa tawag na CALABARZON). Ginagamit rin ito sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan (kilala rin sa tawag na MIMAROPA). Ito rin ang pangunahing wika ng Pambansang Punong Rehiyon na siyang kabisera ng bansa.
Ilocano: Kilala rin sa tawag na Iloko. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Hilagang Luzon. Gamit sa Rehiyon 1 at 2.
Panggasinan: Gamit sa lalawigan ng Pangasinan at ilang bahagi ng Hilagang Luzon at Gitnang Luzon.  
Kapampangan: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Gitnang Luzon.
Bikolano: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Timog-Silangang Luzon.
Sebwano: Tinatawag ding Bisaya. Pangunahing wika ng Lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol at malaking bahagi ng Mindanao. Tinatayang sinasalita ng 27% ng kabuuang populasyon ng bansa.  
Hiligaynon: Tinatawag ding Ilonggo. Gamit sa mga lalawigan sa pulo ng Panay at Kanlurang Negros.  
Waray-Waray: Gamit sa Silangang Visayas tulad ng mga lalawigan sa mga pulo ng Samar at Leyte.

 It's more fun in the Philippines !!

Martes, Enero 15, 2013

Mga magagandang lugar dito sa Pilipinas !!

     Maligayang bati muli sa inyo !! Ngayon,ang blog ko naman ay tungkol sa mga magagandang lugar dito sa Pilipinas. Alam niyo ba na base sa survey,ang Pilipinas ang top 3 sa "Most Admired Beaches all over the World" habang ang Underground River naman ay nakapasok sa "7 Wonders of the World". Hindi talaga matatawaran ang ganda ng Pilipinas na ultimo ang Banaue Rice Terraces ay isa rin sa mga dinadayo rito sa ating bansa. Ang Banaue Rice Terraces ay kilalang-kilala na sa buong mundo dahil sa angkin nitong ganda na talaga namang pinaghirapan ng ating mga ninuno na nakadagdag sa pagiging kaakit-akit nito sa mata ng mga turista dahil sa historikal na halaga nito.
     Ngunit sana'y hindi lang ang mga turista ang makasaksi sa ganda ng ating bansa,kundi maging ang ating mga kababayan ay masaksihan din kung gaano kaganda ang sariling bansa.
     It's More Fun in the Philippines !!

Magagandang katangian ng mga Pilipino !!

     Mas masaya sa Pilipinas!! (It's more fun in the Philippines!!) Ito ang slogan natin para makaakit ng mga turista.
     Alam niyo ba na ang mga Pilipino ang pangatlo sa pinakamasayahin sa buong mundo. Tayo rin ang numero uno sa tinatawag na "most emotional people on Earth". Isa sa mga rason kung kaya't dinadayo tayo ng mga turista dahil sa mainit na pagtanggap natin sa mga turista. Sensitibo rin tayo sa mga pangangailangan nila,hindi pa man sila nagsasalita,nahuhulaan na natin ang kanilang pangangailangan.
     Isa pa sa mga likas na magagandang ugali ng mga Pilipino ay ang pagiging matulungin. Nagtutulungan ang bawat magkakapitbahay upang maisaayos at mapaunlad ang kanilang pamayanan. Ang magandang halimbawa nito ay ang "Bayanihan". Tumatawag ang magkakapit-bahay ng bayanihan kapag may malaking gawain isasagawa sa maikling panahon. Nagtutulungan ang bawa't isa upang maging magaan ang isang mahirap na gawain. Kalimitang ginagawa ito tuwing panahon ng pagtatanim at pag-aani at sa paglilipat ng isang bahay sa ibang lugar. Ito'y likas na katangian ng mga Pilipino.
     Ano nga ba ang Bayanihan? Ang ibig sabihin ng Bayanihan ay ang sama-samang pagkakaisa sa ilalim ng isang layunin. Galing ang salitang ito sa isang tradisyon ng mga Pilipino na kung saan sama-samang tutulong ang mga tao upang buhatin ang buong bahay ng isang pamilya at tulungan ito lumipat papunta sa isang lugar.

     It's more fun in the Philippines !!

It's more fun in the Philippines !!

     Maligayang bati !! Ginawa ko po ang blogspot na ito upang malaman niyo kung gaano kaganda ang Pilipinas !! Sana'y subaybayan at magustuhan niyo ang aking mga susunod na blog ayon sa kagandahan ng Pilipinas !! 

It's more fun in the Philippines !!