Lunes, Enero 28, 2013

Upuan

A. Pagsusuri sa Pamagat
-Ang pamagat ng kanta (Upuan) ay tumutukoy sa mga puwestong inookupa ng mga pulitikong galing sa kapangyarihan at kapangyarihan.
B. Pagkilala saAuthor
-Si Aristotle Pollisco o mas kilala sa pangalang Gloc 9 ay isang alagad ng sining na nabibilang sa makabagong henerasyon. Bagama't ang kanyang istilo ay talaga namang bago at nababagay sa mga  kabataan,ang kanyang mga awitin ay nananatiling mayroong lalim na kahulugan at kapupulutan ng aral.
C. Pagsusuri sa Tagpuan kung nabanggit
-Ang tagpuan sa nasabing kanta ay kung saan namumuno ang mga nasabing pulitiko.
D. Paglalarawan sa mga Tauhan kung nabanggit
-Ang tauhan sa nasabing kanta ay mga pulitikong nahalal at kasalukuyang nakaupo sa gobyerno.
E. Pagsusuri sa Paksa
-Ang paksa sa nasabing kanta ay ayon sa mga pulitikong inaabuso ang kanilang kapangyarihan upang magpayaman.
F. Pagsulat ng Personal na Reaksyon
-Ang mga pulitiko sa nasabing kanta ang mga tipong ayaw iwanan ang kanilang mga puwesto na kahit matapos ang kanilang mga termino,sukdulang patakbuhin ang kapamilya,wag lamang mawala sa kanila ang kapangyarihan at karangyaang tinatamasa nila habang sila'y nasa puwesto. Nakalulungkot isipin na dahil sa mga gahamang pulitikong ito na imbis makatulong sa mga dukhang nasasakupan nila,ay sila pa ang dahilan kung bakit sila lalong naghihirap dahil hindi nakararating sa kanila ang mga pondong maaaring makatulong sa kanila upang guminhawa ang kanilang buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento