Miyerkules, Enero 16, 2013

Mga wika at dayalekto rito sa Pilipinas !!

Maligayang bati muli sa inyo,mga kaibigan!! Ang aking tatalakayin ko naman ngayon ay tungkol sa iba't-ibang mga wika at dayalekto rito sa Pilipinas..

     Bagama't ang Pilipinas ay binubuo ng napakaraming mga isla at lengguwahe ay di hadlang sa pagbisita ng mga turista. Dahil ang Pilipinas ang isa sa mga bansa sa buong mundo na "fluent" sa pagsasalita ng Ingles. Dahilan upang tayo'y dayuhin,di lang mga turista,kundi maging ng mga estudyante na gustong mag-aral ng ingles kundi maging ng mga investor. Ito rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng progreso ang mga call center business sa ating bansa dahil sa ating kakayanan. Importante sa mga dayuhan ang lengguwaheng  naiintindihan nila dahil nasa ibang lugar sila at konbinyente(convenient) para sa kanila ang komunikasyon.

Karagdagang kaalaman lamang ayon sa wika ng mga Pilipino.      
     Alam niyo ba na mayroong 175 na wika o dayalekto rito sa ating bansa,ngunit ngayon 171 na lamang dahil ang 4 dito ay tuluyang lumipas na. Gusto niyo bang malaman kung anu-ano ang mga tanyag at malimit gamitin dito sa ating bansa? Ito ay ang mga sumusunod:
Filipino: Ang pangunahing wika sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng Tagalog kasunod ng iba pang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas.
Tagalog:Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ng 24% ng kabuuang bilang ng mga Pilipino sa buong kapuluan. taal na gamit sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Bataan, Batangas, Rizal, Quezon (kilala rin sa tawag na CALABARZON). Ginagamit rin ito sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan (kilala rin sa tawag na MIMAROPA). Ito rin ang pangunahing wika ng Pambansang Punong Rehiyon na siyang kabisera ng bansa.
Ilocano: Kilala rin sa tawag na Iloko. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Hilagang Luzon. Gamit sa Rehiyon 1 at 2.
Panggasinan: Gamit sa lalawigan ng Pangasinan at ilang bahagi ng Hilagang Luzon at Gitnang Luzon.  
Kapampangan: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Gitnang Luzon.
Bikolano: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Timog-Silangang Luzon.
Sebwano: Tinatawag ding Bisaya. Pangunahing wika ng Lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol at malaking bahagi ng Mindanao. Tinatayang sinasalita ng 27% ng kabuuang populasyon ng bansa.  
Hiligaynon: Tinatawag ding Ilonggo. Gamit sa mga lalawigan sa pulo ng Panay at Kanlurang Negros.  
Waray-Waray: Gamit sa Silangang Visayas tulad ng mga lalawigan sa mga pulo ng Samar at Leyte.

 It's more fun in the Philippines !!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento