Martes, Enero 15, 2013

Mga magagandang lugar dito sa Pilipinas !!

     Maligayang bati muli sa inyo !! Ngayon,ang blog ko naman ay tungkol sa mga magagandang lugar dito sa Pilipinas. Alam niyo ba na base sa survey,ang Pilipinas ang top 3 sa "Most Admired Beaches all over the World" habang ang Underground River naman ay nakapasok sa "7 Wonders of the World". Hindi talaga matatawaran ang ganda ng Pilipinas na ultimo ang Banaue Rice Terraces ay isa rin sa mga dinadayo rito sa ating bansa. Ang Banaue Rice Terraces ay kilalang-kilala na sa buong mundo dahil sa angkin nitong ganda na talaga namang pinaghirapan ng ating mga ninuno na nakadagdag sa pagiging kaakit-akit nito sa mata ng mga turista dahil sa historikal na halaga nito.
     Ngunit sana'y hindi lang ang mga turista ang makasaksi sa ganda ng ating bansa,kundi maging ang ating mga kababayan ay masaksihan din kung gaano kaganda ang sariling bansa.
     It's More Fun in the Philippines !!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento