Miyerkules, Enero 16, 2013

Mga taong nagbigay karangalan sa Pilipinas !!

      Maligayang bati sa inyong lahat,mga mambabasa !! Ito ang aking mga kasalukuyang mga blog :
Mga wika at dayalekto rito sa Pilipinas,Mga magagandang lugar dito sa Pilipinas,Magagandang katangian ng mga Pilipino,Mga Sikat at talagang Masasarap na Putahe sa Pilipinas,Produkto sa Pilipinas na maipagmamalaki
      Siguro naman,alam niyo na sadyang maraming magagandang katangian ang tinataglay ng Pilipinas. Siguro'y humanga na kayo,ngunit hindi lang iyon sapagkat marami pang ipagmamalaki ang Pilipinas. Isa na rito ang mga taong nagtayo sa bandila ng Pilipinas
       Siguro'y napansin natin ang sunud-sunod na pagkapanalo ng Pilipinas,di lang sa mga paligsahan sa isports tulad ng boksing kundi maging sa paligsahan ng kagandahan tulad ng Miss Universe. Nagsimula kay Miriam Quiambao na naging 1st runner-up,sumunod naman si Venus Raj na naging 4th runner-up,pagkatapos ay si Shamcey Supsup na naging 3rd runner-up  at nitong huli lamang,si Janine Tugonon na naging 1st runner-up. Sila ay binansagang QRST.
        Talaga namang nakatutuwa na may mga tao talagang handang gawin ang lahat upang maitayong muli ang bansang nakalugmok na sa putikan. Sana'y patuloy ang pagkapanalo ng Pilipinas sa iba't-ibang paligsahan.

It's more fun in the Philippines !!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento