Martes, Enero 15, 2013

Magagandang katangian ng mga Pilipino !!

     Mas masaya sa Pilipinas!! (It's more fun in the Philippines!!) Ito ang slogan natin para makaakit ng mga turista.
     Alam niyo ba na ang mga Pilipino ang pangatlo sa pinakamasayahin sa buong mundo. Tayo rin ang numero uno sa tinatawag na "most emotional people on Earth". Isa sa mga rason kung kaya't dinadayo tayo ng mga turista dahil sa mainit na pagtanggap natin sa mga turista. Sensitibo rin tayo sa mga pangangailangan nila,hindi pa man sila nagsasalita,nahuhulaan na natin ang kanilang pangangailangan.
     Isa pa sa mga likas na magagandang ugali ng mga Pilipino ay ang pagiging matulungin. Nagtutulungan ang bawat magkakapitbahay upang maisaayos at mapaunlad ang kanilang pamayanan. Ang magandang halimbawa nito ay ang "Bayanihan". Tumatawag ang magkakapit-bahay ng bayanihan kapag may malaking gawain isasagawa sa maikling panahon. Nagtutulungan ang bawa't isa upang maging magaan ang isang mahirap na gawain. Kalimitang ginagawa ito tuwing panahon ng pagtatanim at pag-aani at sa paglilipat ng isang bahay sa ibang lugar. Ito'y likas na katangian ng mga Pilipino.
     Ano nga ba ang Bayanihan? Ang ibig sabihin ng Bayanihan ay ang sama-samang pagkakaisa sa ilalim ng isang layunin. Galing ang salitang ito sa isang tradisyon ng mga Pilipino na kung saan sama-samang tutulong ang mga tao upang buhatin ang buong bahay ng isang pamilya at tulungan ito lumipat papunta sa isang lugar.

     It's more fun in the Philippines !!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento